PNRI pinagdudahan sa nuclear fall-out

DUDA ang isang senador sa pananaw ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) na hindi aabot sa Pilipinas ang mapaminsalang nuclear fall-out sa Fukushima Nuclear Power Plant sa Japan.

Ayon kay Sen. Loren Legarda, dapat paghandaan ng bansa ang posibleng nuclear fall-out kahit tiniyak ng mga eksperto na walang posibilidad na magkaroon ng radiation exposure sa Pilipinas sakaling magkaroon ng meltdown sa naturang planta.

“We cannot afford to be complacent notwithstanding the assurances issued by experts. There are food safety issues and the situation in Fukushima remains to be a serious concern. These are facts that we cannot dismiss. As such, our government agencies such as the Department of Health (DOH), the Philippine Nuclear Research Institute (PNRI), and the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) need to exercise vigilance in  preparing and providing for all possible contingencies,” ayon sa senador.

Nauna nang ipinahayag ng PNRI na hindi aabot sa Pilipinas ang mapaminsalang antas ng radiation mula sa Japan taliwas sa pag-aaral ng Norwegian Institute for Air Research na nagsasabing may posibilidad na makarating sa bansa ang radiation kung sakaling magkaroon ng power plant melt down sa Japan.

Tiniyak ng NDRRMC na nailatag na ang National Radiological Emergency Preparedness and Response Plan na ipatutupad ng pamahalaan sakaling magkaroon ng radiation leak mula sa Japan at makarating sa Pilipins.

Dapat din umanog tiyakin ng pamahalaan na naipabatid sa publiko ang lahat tungkol sa radiation at posibleng implikasyon sa kalusugan nito, na kung masyadong mataas ang taglay nitio, maaaring maging sanhi ng kanser at birth defects at baka makunan ang mga buntis. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply