‘Poison Ivy’ natiklo sa Quezon City

NADAKIP ng pulisya ang isang dalagang tinaguriang Poison Ivy dahil nilalason muna nito ang kanyang bibiktimahin bago pagnakawan habang nag-iikot at naghahanap ng bagong mabibiktima sa Quezon City.

Hindi naman makumpirma ng pulisya kung alin sa dalawang pangalan ang tunay nitong pagkatao na ang isa ay Arlyn Vargas at Anamie Livrando, 25, ng Libis St. Baesa, Caloocan City.

Nahuli ang suspek noong nakaraang Abril 5 sa loob ng isang subdibisyon sa Barangay Baesa, Quezon City.

Gayunpaman, lumakas ang ebidensiya laban sa suspek nang nagsidatingan sa Quezon City Police District (QCPD) 3 kamakalawa ng gabi ang ilan sa mga naging biktima nito matapos iere ang pagkakahuli sa dalaga sa mga istasyon ng radyo at telebisyon.

Ayon sa mga complainant, papasok ng katulong ang suspek at huhulihin ang loob ng kanyang mga amo at kapag naikasa na ay saka niya ito pagnanakawan.

Mayroon ding mga pangyayaring nilalason niya ang ilan sa mga miyembro ng pinaglilingkurang pamilya kapag nahihirapang kunin ang kanilang loob.

Nabatid na nakulong na rin sa kaparehong krimen ang suspek pero nakatakas sa Manila City jail matapos akyatin ang mataas na pader ng naturang kulungan.

Patong-patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng suspek na nakilala dahil na rin sa mga nakakalat na poster hinggil sa modus operandi nito. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply