Polisiya nagpababa sa popularidad ni PNoy

KASABAY ng pagtatanggol sa media, tahasang sinabi ng isang kongresista na ang pangit na polisiya ng administrasyong Aquino ang dapat sisihin sa pagbaba ng popularidad ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ito ang inihayag ni Kabataan Partylist Rep. Raymond ‘Mong’ Palatino bilang reaksyon sa paninisi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte sa media.

Tinukoy ni Palatino na hindi pa rin nareresolba ni Pangulong Aquino ang pangunahing pangangailangan ng tao, ang patuloy na pagtaas sa presyo ng langis, mababang sahod ng manggagawa, kawalan ng trabaho, pagbabawas ng pondo sa mga pangunahing serbisyo ang nagpabagsak ng popularity rating ni Aquino.

Matatandaan na sa pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey, ang satisfaction rating ni PNoy ay bumagsak ng 13 puntos mula sa dating +64 noong November 2010.

Ang isa sa dahilan na tinukoy ng SWS survey ay ang pagbili ni PNoy ng mamahaling sasakyan na Porsche sa gitna ng naghihikahos na sambayanan.

“To appease the public, President Aquino and his clique of communication experts would repeatedly justify the Porsche purchase by saying that he used his own money for it. That makes it even worse and much more distasteful. Marami ang walang trabaho at hindi alam kung saan huhugitin ang kanilang panggastos tapos ‘eto ang ating Presidente magsasabi na ok lang na bumili siya ng mamahaling sports car bilang meron naman siyang pera.”

Ayon sa mambabatas, malaking insulto sa tao ang ginawa ng pangulo lalo na sa mahihirap na sektor.

Kabilang sa kawalan ng malinaw na direksyon ng administrasyon sa pagresolba sa mga suliranin ay ang paghahayag nito ng pantakip na P500 milyog subsidiya sa industriya ng langis upang hindi maramdaman ang sunud-sunod na pagtaas sa presyo nito.

“The P500-M oil subsidy is a band-aid solution that obviously sides with the interest of the oil cartel, not with the long-term welfare of the people.”

Balewala aniya ang subsidiyang ito kumpara sa bilyong piso na kinikita ng malalaking kompanya ng langis. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply