Politika, motibo sa pag-ambush sa Romblon Mayor

PAUNANG tinitingnan ng pulisya ang anggulong politika ang sanhi sa pananambang kay Cajidiocan Mayor Festo Galang Jr. na kung saan ay natamaan siya sa kanyang kaliwang kamay.

Natamaan din sa kaliwa at kanang balikat ang kanyang police bodyguard na si PO1 Eric Espartinez at nahagip naman ng bala sa kanyang kaliwang kamay ang kanyang sibilyan na bodyguard na si Jorge Rabino sa naturang pang-aambush.

Nag-umpisa umanong uminit ang politika sa naturang bayan matapos talunin ni Galang noong nakaraang halalan ang dating mayor na si Nicasio Ramos na naging punongbayan ng halos labinglimang taon.

Noong nakaraang Agosto 2010 ay nasunog ang Municipal Hall na ipinagawa ni Ramos at tinatayang umabot ng pitong milyong piso ang halaga ng pinsala. Nagturuan ang dalawang kampo sa naturang sunog.

Bangang alas singko kahapon, Abril 25, nang tambangan ang grupo ni Mayor Galang habang papauwi na sila lulan ng Toyoto Fortuner sa Barangay Cambajao, Cajidiocan, Romblon. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply