Pondo ng OWWA pinabubusisi

IPINABUBUSISI ni Sen. Miriam Santiago ang pondo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Alinsunod ito sa Senate Resolution no. 169 ni Santiago base sa akusasyon ng Migrante International na ginamit ng Arroyo administration ang malaking bahagi ng pondo ng OWWA sa political campaign.

Kinuwestiyon din ng Migrante ang malaking halaga na umano’y ginastos ng OWWA sa repatriation ng mga OFWs sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Sa pagtaya ay may P12 bilyon ang pondo ng OWWA na kinukuha mula sa $25 na membership fee ng bawat OFW.

Ayon kay Santiago, hindi dapat balewalain ang sumbong ng Migrante dahil ang pondo ng OWWA ay para lamang sa mga OFWs.

Nauna na ring kinasuhan ng plunder ni dating Solicitor General Frank Chavez si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo

Dahil umano ito sa paggamit ni Arroyo sa pondo ng OWWA sa  pamamahagi ng Philhealth cards noong 2004 presidential elections upang makakuha ng boto. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply