Pondo sa overstaying OFWs sa KSA sapat

TINIYAK ng pamahalaan na sapat ang pondong inilaan para tustusan ang pagbabalik ng mga overstaying overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia.

Sa pahayag ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, tutustusan ng Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) ang mga dokumentadong OFW sa kanilang pagbabalik sa bansa habang ang mga
walang dokumento ay babalikatin ng Department of Foreign Affairs (DFA).

“The fund will be provided by the OWWA fund and the DFA will extend necessary aid to help the Philippine nationals’ repatriation,” ayon kay Lacieda.

Kaugnay nito, humingi si Vice President Jejomar Binay, presidential adviser on overseas Filipino workers’ affair kay Pangulong Benigno Aquino III ng P24 milyon para magamit sa repatriation ng humigit kumulang sa 1,084 overstaying OFWs. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply