Pondo sa OFWs, tinipid ng Palasyo

IBINUNYAG ngayon, Abril 5 ng isang mambabatas na may limit na ang gastos ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa mga overseas Filipino worker na nagkakaroon ng problema sa ibang bansa tulad ng mga nakakasuhan ng pagpupuslit ng iligal na droga.

Ayon kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, napilitan ang DFA na tipirin ang gastos sa mga nagkakaproblemang Filipino sa ibang bansa matapos katayin ng Department of Budget and Management (DBM) ang budget ng ahensiya ngayong 2011.

Mula sa P215.4 milyon noong 2010, bumaba sa P 122.2 milyon ang budget ng DFA para sa pagtulong sa ating mga kababayan sa ibang bansa.

Ani Cayetano, personal niyang napatunayan ang limit sa tulong na ibinibigay ng DFA matapos may lumapit sa kanyang pamilya ng OFW na nagkaroon ng problema sa padalang tsinelas na nahaluan pala ng droga.

Sinabi ni Cayetano na hindi na matutulungan ng DFA ang OFW na ito sa Saudi Arabia dahil sa may limit daw sila ng gastos sa bawat Filipino na nagkakaroon ng kaso.

“Ang sabi nila may limit na ang expenses for drug cases whether or not may finding na guilty or inosente sila,” kwento ng senador.

Binanggit pa ng mambabatas, ang mga kasong dapat tinutulungan talaga ng DFA dahil inosente ang OFW sa nakuhang droga sa kanyang tsinelas. Dagdag pa rito, tumungo na rin sa Saudi ang taong aksidenteng nagtago ng droga sa kahon ng tsinelas, pero hindi ito kinasuhan

“Kapag aminado na drug pusher or drug mule or hindi inosente ang tao, maiintindihan natin that the government cannot use its valuable resources or can limit it. Pero kung ang tao ay inosente bakit mo lalagyan ng limit yung gagastusin sa kanya, so hindi makakakuha ng magaling na abugado kasi our lawyers are not allowed to practice in their countries so you have to get a local laywer. What’s the problem, dahil limitado ang pondo na huhusgahan sa death penalty. Pag death penalty na saka lang tayo kikilos,”patutsada ni Cayetano.

Matatandaan na noong binitay sa China si Sally Ordinario-Villanueva, umangal ang ilang miyembro ng pamilya nito sa karampot na tulong na ibinigay ng DFA noong nililitis pa lamang ang kaso.  Ernie Reyes

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply