Post-Kwaresma gig nina Nyoy Volante, Jovit Baldivino at hebigats na guests

SANIB-PWERSA sina Nyoy Volante at Jovit Baldivino sa benefit concert sa April 30 sa Zirkoh comedy bar, sa Morato, Quezon City, nila movie writers Julie Bonifacio at Eddie Littlefield na parehong Remate entertainment columnist.

Kaya pagkatapos nila Julie at Eddie mag-Kwaresma  out of town, siguradong magiging bisi ang dalawa sa pagpapaganda na kanilang show sa tulong ni Direk George Vail Kabristante na siya ring director ng coming “Gridiron” ng NPC (National Press Club) under President Jerry Yap sa tulong naman ng Alyansa ng Filipinong Mamamahayag (AFIMA) ni President Benny Antiporda.

Big-time ang mga special guests nila Julie at Eddie. Kasama si Marc Cubales and his band. Andyan din si MC Ringor na siyang kumanta ng theme song ng indie film na “Tarima” na pinagbidahan nila Fanny Serrano, Gloria Romero at Rustica Carpio.

Kapag pa-show raw ni Eddie L. di raw pwedeng wala ang former Asia’s Diva Dancing Queen na si Miss Cynthia Sol who at 65 years old  ay nakakapag-split pa at will, laban kayo? Kaya nga recently lang ay naging weekly finalist siya sa “Talentadong Pinoy” ni Ryan Agoncillo.

Save the best for last naman ang guesting ng lead actor/singer na si Zyruz Imperial ng international co-prod ng pelikulang “Seksing Masahista” nila Direktor John Ad Castillo at Z.Lokman at ng “The Road To Ampatuan” ni Direk Jigz Recto.

Second guesting ito ni Zyruz Imperial sa Zirkoh. Lumabas siya bilang vocalist & guitarist sa pa-show ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na “Movie Writers Got Talent On The Loose” sa kanilang grupo na “Presskong Acoustics” kasama ang dalawang Remate entertainment columnists na sina Benjie Felipe at Joey Sarmiento.

Galing sa banda si Zyruz  at eksperto siya sa Angklung musical instrument, maliban sa siya ay cartoonist, portraitist/painter at award-winning musical conductor. Nakapag-guesting na siya sa mga concerts nila Sitti, Christian Bautista, Sponge Cola, etc.  Artistic director din  siya ng Teatro Ama, AMA-ACLC, Pasay City branch.

Sabi pa ni Zyruz baka raw darating pa ang dalawang leading ladies niya na frontliner ng Mocha Girls na si Mocha Uson (“Seksing Masahista”) at Snooky Serna (“The Road To Ampatuan”) para suportahan siya with their special appearances either onstage or offstage, and why not? Go Ed, go Julie!  Bernie Villaflor

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply