PPCRV umaasa sa bagong commissioner ng poll body

UMAASA ang isang church-based poll watchdog na malaki ang maitutulong ni Christian Robert Lim, ang bagong talagang commissioner ng Commission on Elections (Comelec), sa pagpapatupad ng reporma sa nasabing ahensya.

Humiling si Henrietta de Villa, chairperson ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), sa mga kritiko ng Comelec na bigyan ng pagkakataon si Lim upang mapatunayan ang kanyang kakayahang gampanan ang trabahong iniatang sa kaniya.

Dapat rin muna umanong hayaan si Lim na maipakitang karapat-dapat ito sa pwesto.

Matatandaang napaulat na ang pagkakatalaga umano kay Lim sa Comelec ay dahil sa kaugnayan nito kay Pangulong Benigno Aquino III.

Ngunit pinabulaanan ni Lim ang akusasyong ito at itinangging naging bahagi ito ng Aquino-Roxas legal at anti-fraud group at quick reaction team noong May 2010 presidential polls.

“Let’s see how he proves himself. And the good thing about his being young is his idealism and his energy to serve,” ayon pa kay de Villa.

Kasabay nito, tiniyak ng PPCRV na masusi nilang babantayan ang trabaho na ginagawa ng mga opisyal ng Comelec.

Una nang sinabi ni Lim na bukod sa paggawa ng mga resolusyon, nais niyang tutukan ang implementasyon ng mga kinakailangang reporma sa poll body, gayundin ang pagsasanay sa mga election officers upang matiyak na handang-handa na ang mga ito sa susunod na automated elections.

Nangako rin si Lim na magtatrabaho siya para sa isang malinis at transparent na automated election sa panahon ng kaniyang termino.

Si Lim, 37, ay isa sa pinakabatang commissioner na itinalaga sa Comelec. Pinalitan niya si puwesto si Gregorio Larrazabal, na nagretiro noong Pebrero 2011.

Nakatakdang magretiro si Lim sa Pebrero 2018, o dalawang taon matapos ang 2016 national polls. Kyle Gatus

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply