‘Fuel cards’ ipamamahagi sa mga drayber sa Mayo 2

NAKATAKDANG ipinamahagi sa darating na Mayo 2 ng Department of Energy (DOE) ang “fuel cards” para sa mga tsuper ng jeepney at tricycles kaugnay sa Pantawid Pasada Program ng pamahalaan.

Sa Mayo 2 ay sisimulan na ng pamahalaan ang pamamahagi ng smart cards. Tinatayang tatlong buwan ang gugugulin ng gobyerno para maipamahagi ito sa buong bansa.

Ayon kay Energy Undersecretary Jay Layug, isasapinal sa ngayon, Miyerkules, ang mga lugar kung saan ipamimigay ang fuel assistance card sa Lunes, Mayo 2.

Magiging kaagapay sa pamamahagi ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Kasabay nito nilinaw din ng DOE na hindi nila binawasan ang bilang ng mga tsuper ng jeep at tricycle na makatatanggap ng fuel subsidy bilang bahagi ng ipinangakong PPP.

Sinabi rin ni Layug, mahigit 200,000 jeepney driver ang inaasahang mabibigyan ng subsidiya sa langis at nasa 60,000 pa lamang aniya ang na-validate upang maging lehitimong benepisyaryo ng naturang programa.

Dinagdag pa nito na pinag-uusapan pa rin nila ang detalye kung paano bibigyan ng tulong ang mga magsasaka at mangingisda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply