Pres. Gbagbo susuko na

KASALUKUYANG nakikipag-negosasyon ang kampo ni Ivory Coast President Laurent Gbagbo sa kanyang pagsuko, ayon sa kanyang foreign minister na si Alcide Djedje.

Nagbunsod ang pagsuko ng kampo ni Gbagbo matapos ang ilang araw na labanan kontra sa mga tauhan ni Alassane Ouattara, ang kinikilalang nanalong presidente ng international community. Nakubkob ng mga tao ni Ouattara ang lugar at bahay niya sa Abidjan kamakalawa.

Nakikipagnegosasyon din umano ang dalawang generals ni Gbagbo para sumuko, ayon kay French Prime Minister Francois Fillon. Samantalang ayon sa isang UN official humihingi si Gbagbo sa U.N. ng proteksiyon sa kanyang pagsuko.

“I think it is something very important. The military fight is almost over. As soon as he surrenders, all the fighting will stop.”, ayon kay Patrick Achi, spokesman ng kampo ni Ouattara. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply