Presyo ng gasolina muling tumaas

MULI na namang nagtaas ng presyo ng gasolina ang malalaking kumpanya ng langis bandang 6:00 ng umaga, Abril 12.

Nabatid na tumaas ng P1.50 kada litro ang diesel, P1.50 ang gasolina, P1.25 ang regular gasoline at P1.40 naman ang kerosene ang mga gas stations ng Pilipinas Shell, Chevron Philippines (Caltex), Petron, City Oil at Total.

Simula sa taong ito ay umabot na ng walong piso ang itinaas ng diesel, samantalang anim na piso naman sa gasolina.

Dahil dito, umaangal na ang mga transport groups sa patuloy na pagtaas ng produkto ng petrolyo sa bansa at nagbanta na magsasagawa ng malawakang kilos protesta kapag hindi natugunan ng gobyerno ang naturang problema.

Kamakailan ay inihayag na ng Malakanyang ang pamimigay ng “Pantawid Pasada” cards sa mga pampasadang jeep at tricycle dalawang linggo mula ngayon. Ang makakatanggap nito ay magagamit ang nakapaloob na halagang P1,050.00 o katumbas na P35.00 kada araw na subsidiya mula sa gobyerno.

Niliwanag naman ng Department of Energy na ang naturang card ay tulong lamang sa mga tsuper.

“Alalay lang kasi ito, isa lang ito sa mga programa… di talaga masasagot nito ang burden ng pagtaas sa presyo,” ayon DOE director Zenaida Monsada. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply