Presyo ng isda, gulay lolobo sa Semana Santa

INAASAHAN na ng Department of Agriculture (DA) ang pagtaas ng presyo ng isda at gulay sa mga pamilihan ngayong Semana Santa.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, mas marami kasi ang namimili ng isda ngayong Mahal na Araw kung saan karamihan ng mga deboto ng Simbahang Katoliko ay hindi kumakain ng karne .

Ayon sa kalihim, mula P5 hanggang P15 ang itataas sa presyohan ng isda, habang nasa P5 lamang sa gulay.

Siniguro naman ni Alcala na hindi tatagal ang pagtaas ng presyo ng isda at gulay na aniya’y babalik sa normal pagkatapos ng Semana Santa.

Hindi naman umano dapat tumaas ang presyo ng karne ng baboy at manok dahil hindi aniya in-demand ang supply nito ngayong karamihan ay nag-aayuno.

Hindi rin tataas ang presyo ng bigas dahil sapat ang supply ngayon lalo’t panahon ng anihan kung saan nanatili aniya sa P27 ang presyo ng NFA rice bawat kilo, habang depende na rin sa klase ang presyo ng commercial rice. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply