Presyo ng LPG sisirit sa Mayo

MALAKI ang tsansang lumobong muli ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa susunod na buwan dahil sa sunod-sunod na pagsirit ng presyo ng langis sa Middle East.

Sa panayam kay LPG Marketers Association (LPGMA) party-list Rep. Arnel Ty, tanging ang sitwasyon lamang sa gitnang silangan ang makakapagpabago ng nakaambang pagtaas ng presyo ng nasabing produkto.

“The situation in the Middle East is still abnormal. We don’t know how much the price adjustment will be in May, we are keeping an eye on the price movements in the world market,” paliwanag ng kongresista.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Ty na walang mangyayaring price hike sa LPG ngayong buwan.

Ayon sa kanya, walang magagawa kundi magtaas din ng presyo ang independent dealers sa bansa, oras na magtaas ang bentahan ng naturang produkto sa Middle East na pangunahing pinag-aangkatan ng Pilipinas.

“Ang masasabi ko diyan hanggang ang sitwasyon sa Middle East, kung saan galing ang 90 porsyento ng petrolyo sa buong daigdig ay magulo, wala tayong nakikitang magandang balita,” dagdag pa ng ginoo.

Gayunpaman, masayang ibinalita ng kongresista sa publiko na walang price hike tuwing buwan ng Abril, bagkus bumababa pa umano ang presyo ng LPG sa mga pamilihan sa bansa.  Robert C. Ticzon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply