Presyo ng LPG tataas sa Mayo

NAGBABALA na naman ng pagtaas ang Independent dealers ng liquefied petroleum gas sa buwan ng Mayo bunsod umano sa epekto ng nangyayaring gulo sa Middle East.

Ayon kay LPG Marketers Association (LPGMA) party-list Rep. Arnel Ty, ang pagtigil lang ng tensiyon ang solusyon sa paglobo ng pagtaas ng presyo ng nasabing produkto.

“The situation in the Middle East is still abnormal. We don’t know how much the price adjustment will be in May, we are keeping an eye on the price movements in the world market,” ayon sa panayam kay Ty sa dzBB.

Kinumpirma naman ni Ty na walang pagtataas na mangyayari ngayong buwan.

Imposible umanong hindi magtaas ang naturang produkto dahil inaangkat ang mga ito mismo sa Middle East.

“Ang masasabi ko diyan hanggang ang sitwasyon sa Middle East, kung saan galing ang 90 porsyento ng petrolyo sa buong daigdig ay magulo, wala tayong nakikitang magandang balita,” ayon pa kay Ty.

Sinabi pa ni Ty na dapat makaranas ng pagbaba ng presyo ng LPG ngayong Abril.
“Ito ang buwan dapat na bababa ang presyo. Yan ang isa sa wala talagang magagawang paraan ang gobyerno,” ayon pa kay Ty. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply