Presyo ng mga bilihin sa Baguio magtataas

INAASAHANG magsisitaasan ang ilang pangunahing bilihin sa Baguio City Market sa panahon ng Semana Santa.

Ayon kay Olan Manzano, assistant operator ng Baguio City Market Retail Price Monitoring, may posibilidad na tumaas ng P5-P10 kada kilo ang presyo ng ilang pangunahing bilihin dito tulad ng patatas, asparagus, broccoli, carrots, cauliflower, string beans at young corn.

Inaasahang tataas din ang presyo ng ilang isda at seafoods na maaaring umabot sa P90 kada kilo, tulad ng bangus, lapu-lapu, malaga at tilapia.

Ang ibang karne ay inaasahang hindi apektado sa pagtaas ng presyo, ngunit hindi rin ito umano bababa.

Ayon naman sa ibang mamimili, diumano’y mas makatitipid sila sa mga gulay at prutas sa Hilltop Hangar Market, ang “bagsakan ng Baguio.”

Ang diperensya lamang umano ay may kalayuan ito kumpara sa pamilihan ng lungsod. Thom Picana

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply