Prince William itutuloy ang kanyang British military service

KAHIT nakasunod na siya sa trono sa pagiging hari ng Britanya ay gusto pang ituloy ni Prince William ang pagsisilbi sa British Military.

Sa susunod na tatlong taon ay magiging search and rescue pilot siya ng Royal Air Force na nakabase sa bayan ng Welsh.

Nabatid sa kanyang trainor na may eagle eye ang prinsepe. Habang nasa training taong 2008 ay tumulong si Prince William na makalambat ng $60 milyong halaga ng droga na kinasasangkutan ng US Coast Guard.

“As part of the training, we sent him in a helicopter to see what it was like on a frigate. As much as it pained us, he spotted the boat from the back window, saying there was something down there, so they moved in. They went down to see and saw a speedboat trying to get across,” ayon sa kanyang trainor na si Lieutenant Jason Hannigan.

Sa naturang insidente ay nadakip ang limang miyembro ng drug ring syndicate at nakumpiska ang droga.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply