Pro-RH Bill lawmakers, mag-isip-isip – Obispo

DAPAT pagnilayan ng mga miyembro ng Kamara de Representantes na pabor sa Reproductive Health (RH) Bill ngayong Semana Santa ang kanilang posisyon sa kontrobersiyal na panukala.

Ayon kay San Carlos Bishop Jose Advincula, dapat samantalahin ng mga mambabatas ang Mahal na Araw para pagnilay-nilayan ang kanilang paninindigan sa RH bill, talikuran ito at paburan na ang buhay.

“Ang Semana Santa naman ay panahon ng pagninilay, sana gagamitin itong panahon ng ating mga kongresista sa pag-review ng kanilang stand, especially about life, specifically their stand regarding the Reproductive Health Bill,” ayon kay Advincula, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Tiniyak rin ni Advincula na sisikapin nilang marinig ng mga mambabatas ang kanilang mga tinig at ipagpapatuloy ang pananalangin na magbago ng isipan at damdamin ang mga taong pabor sa RH bill, at suportahan ang karapatan ng bawat isa na mabuhay.

“We will still try to do our best in order to let our voice be heard especially by our legislators and we continue praying also that they will have a change of heart especially those who are for the RH Bill so that they may sustain our right to support life and also they will support the side of the Catholic Church,” ayon pa kay Advincula.

Kaugnay nito, ikinatuwa naman ng Obispo ang tagumpay ng Caravan for Life na nilahukan ng mahigit-kumulang sa 200 sasakyan sa Negros Occidental at Negros Oriental.

Aniya, nakatutuwa na maraming tao ang nagpapakita ng suporta sa buhay at nagsusumikap na malabanan ang pagpapasa sa RH bill.

Nauna rito, inianunsiyo na umano ng Malakanyang na sa pagbabalik-sesyon ng Kongreso sa Mayo 9 ay pupursigihin na ng mga kaalyado ng Pangulo sa Kongreso na maipasa sa kamara ang RH Bill. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply