Producer ng ‘Willing Willie’ gigisahin ng mga senador

IPATATAWAG ng Senado ang producer ng “Willing Willie” at pamunuan ng TV5 upang imbestigahan ang kontrobersyal na pagsasayaw ng isang anim na taong gulang na bata nitong Marso 21 na umano’y isang paglabag sa Anti-child Abuse Act.

Sa ipinalabas na pahayag, sinabi ni Sen. Pia Cayetano na kailangan muling bisitahin ang batas na nagbibigay ng proteksyon at nagtataguyod sa karapatan ng kabataan tulad ni Jan Jan Suan na binabalot ngayon ng kontrobersiya.

“The Committee on Youth, Women and Family Relations will review existing laws to ensure that the rights of the child are observed and protected. There are specific laws that guarantee the rights of the child. These include landmark laws like RA 7610 and RA 9262,” ayon kay Cayetano.

Ayon kay Cayetano, kailangan muling rebyuhin ang batas upang matiyak na nabibigyan ng proteksiyon ng Kongreso ang mga bata sa lahat ng pagkakataon tulad ng pagsali sa mga talent show at pakontes kabilng ang kontrobersiyal na Willing Willie.

“Still, Congress must make sure our laws are applicable to various circumstances and remain relevant to our times. This is consistent with the Committee’s mandate to review all laws that affect women and children.,” ayon kay Cayetano.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng komite ni Cayetano ang karapatan at kagalingan ng kababaihan kaya’t itutuloy ang pagsusuri sa tulong nang paglikha ng kaukulang batas hinggil sa proteksiyon ng kabataan.

“The Committee has already commenced hearings on the review of laws discriminatory to women and will pursue the same effort for laws on children,” giit ni Cayetano.

Ayon sa senadora, maraming talent shows at pakontes sa telebisyon na pinapayagan ang bata na magsuot at sumayaw ng sexy tulad ng pagsasayaw ni Jan Jan sa isang segment ng Willing Willie na umani ng pagbatikos at kontrobersiya.

“We have so many talent shows and contests where kids are made to dress and gyrate like sexy dancers thinking that it’s ‘cute’ or ‘funny.’ But in gender-sensitive cities like Davao, the mayor has long banned the swimsuit portion in their annual Mutya ng Dabaw search,” paliwanag ng senadora.

“There’s no reason why we can’t adopt this example across the country and show the same respect for both women and children, not only in talent shows but also on TV, advertisements and all forms of media,” dagdag ng mambabatas.

Nitong Abril 8, nagpaalam si Willie Revillame na magbabakasyon ng dalawang linggo matapos batikusin ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at organisasyon hinggil sa pagsasamantala umano ng Willing Willie kay Jan Jan.

Ngunit, iginiit ni Revillame na wala silang minolestiyang bata tulad ni Jan Jan.

Kung papatawan umano ng parusa ang Willing Willie, dapat imbestigahan din ng pamahalaan ang iba pang show na nagpapakita ng kalaswaan sa bata tulad ng “Going Bulilit” na umiikot ngayon sa social media networking. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply