Professor pinagnakawan bago kinatay

UTAS ang isang professor matapos pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang mga salarin matapos pagnakawan sa Brgy. Camarin, Caloocan City

Ang biktima na patay na nang abutan ng kanyang kaibigan sa loob ng kanyang bahay sanhi ng mga saksak sa katawan ay si Jose Calalung Lamar Jr., 47, professor, naninirahan sa #30 Brixton ville subdibision,  Camarin, nasabing lungsod.

Patuloy namang inaalam ng awtoridad ang pagkakilanlan ng mga hindi pa nakikilalang salarin na pinaniniwalaang pagnanakaw ang motibo sa krimen.

Sa imbestigasyon, dakong 7:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob mismo ng kwarto ng biktima.

Nagsadya sa bahay ng biktima ang kaibigan nito na hindi nagpabanggit ng pangalan pero nang walang sumasagot sa kanyang tawag ay nagpasya na itong humingi ng tulong sa mga kapitbahay saka humiram ng flashlight at pinasok sa bahay ang biktima.

Dito na natuklasan ang bangkay ng professor na tadtad ng saksak.

Hinala ng pulisya na pagnanakaw ang motibo sa krimen nang malamang nawawala ang ilang personal na kagamitan ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply