Program coordinator ng DZBB tinarakan

PATAY ang isang program coordinator ng radio station DZBB makaraang saksakin Sabado ng gabi, Abril 23, sa Caloocan City.

Ang biktima na kinilalang si Edwin Ramos ay dinala sa ospital bunga ng malalim na tama ng saksak sa sikmura pero tinanggihan umanong tanggapin sa Tondo General Hospital.

Hindi na umano nagawang maisalba ang buhay ni Ramos ng mga doktor sa ospital na pinaglipatan sa Jose Reyes Memorial Center.

Batay sa report, ang insidente ay naganap dakong alas 8:00 ng gabi. Ang suspek ay kinilalang si Cesar Baguio, resident eng Barangay 12 sa Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Kasalukuyang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ng Caloocan City Police para madakip ang tumakas na suspek. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply