Prosecutor panel ng Kamara naghahanda sa impeachment trial

NAKATAKDANG magtungo sa Senado sa pagbubukas ng sesyon sa ika-9 ng Mayo ang mga kongresistang magsisilbing prosecutors sa impeachment trial ni Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Ito ang kinumpirma ngayon, Martes, ni Iloilo Rep. Neil Tupas Jr., chairman ng House justice committee.

Kasabay nito ay nilinaw ni Tupas na sa 11 prosecutor ay tatlo pa lamang ang opisyal na nahahalal sa plenaryo.

Bukod sa kanya ay nahalal din bago pa man mag-adjourn ang sesyon noong Marso sina Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas at House Deputy Speaker Erin Tañada.

Aniya, sa pagbubukas ng sesyon sa May 9 ay nakatakdang i-elect sa plenaryo sina Reps. Emilio Joseph Abaya (Cavite); Magtanggol Gunigundo (Valenzuela); Arlene Bag-ao (Akbayan); Neri Colmenares (Bayan Muna); Reynaldo Umali (Mindoro); Miro Quimbo (Marikina), House Deputy Speaker Raul Daza (Northern Samar) at Elpidio Barzaga (Cavite).

Magsisilbi namang (PR) Public Relation Officer ng prosecutors si South Cotabato Rep. Daisy Avance-Fuentes samantalang spokespersons naman si DIWA Party-list Rep. Emmeline Aglipay at CIBAC Party-list Rep. Sherwin Tugna.

Inihayag din ni Tupas na siya ang magsasagawa ng opening statement sa pagbubukas ng impeachment trial at siya rin aniya ang dedepensa sa fertilizer fund scam na aniya’y “strongest evidence” ng komite. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply