Prostate cancer bill OK sa Kamara

LIMANG kongresista ang nagsulong sa Kamara na maipasa sa lalong madaling panahon ang panukalang batas na humihikayat na mapalawak ang prostate cancer awareness na karaniwan dumadapo sa kalalakihan na may edad 40 pataas.

Ang House Bill 590 o Prostate Cancer Public Awareness
Act, na naipasa na sa huling pagbasa sa Kamara at naiakyat na sa Senado ay pangunahing inakda nina Reps. Rufus B. Rodriguez ( Cagayan de Oro), Maximo B. Rodriguez (Party-list, Abante Mindanao), Marcelino
R. Teodoro (1st District, Marikina City), Augusto Syjuco (2nd District, Iloilo) at Alfredo D. Marañon III (2nd District, Negros Occidental).

Nakapaloob sa panukala na mismong ang Director ng Non-Communicable Disease Control Service ng Department of Health (DOH) ang siyang magpapatupad ng programa upang bigyan ng sapat na edukasyon ang publiko ukol sa prostate cancer at iba pang kanser.

Hinihikayat ng panukalang ito ang lahat ng kalalakihan na may edad 40 na sumailalim sa taunang physical examination para sa prostate cancer at iba pang uri ng kanser upang mabatid ang maagang sintomas nito at malaman kung paano ito ay maiiwasan.

“Prostate cancer is now the leading cause of death among Filipino males,” ayon kay Rodriguez.

Tinukoy pa nito na 25 porsiyento ng mga kalalakihan na may prostate cancer ay namamatay at karamihan aniya ng nagtataglay ng karamdamang ito ay walang kaalaman ukol sa taglay nilang kanser.

“Through this bill, men shall be educated on the risks of having prostate cancer,” giit ni Rodriguez. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply