Protesters sa Syria niratrat, 9 patay

TINATAYANG siyam na katao ang nasawi makaraang pagbabarilin ng mga security forces ang mga demonstrador sa Syria na sumisigaw sa pagbaba sa posisyon ni Syrian President President Bashar al-Assad.

Nabatid na libu-libo ang nagtipon sa tapat ng mga gusali ng gobyerno sa Syria, matapos na isagawa ang Friday prayers.

Dahil dito, pinuri ng Amerika ang katapangan ng mga Syrians upang ipaglaban ang kanilang karapatan, ngunit kinondena ang karahasan ng gobyerno.

Bunsod nito, nanawagan ang White House sa magkabilang panig na maging kalmado at iwasan ang karahasan.

“We urge all parties to maintain calm and avoid violence, and call on the Syrian government to respect human rights and to allow for peaceful demonstrations,” ani White House Spokesman Jay Carney. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply