Protestors sa Morocco dumagsa

UMABOT ng higit sampung libong raliyista ang dumalo sa Casablanca na humihiling ng agarang reporma sa pamamahala ng gobyerno at pagpapalaya ng mga political prisoners.

Nabatid naman sa mga awtoridad na sumang-ayon na si King Mohammed na bawasan ang kanyang kapangyarihan para mapanatag ang mga demonstrador.

“This is more about the young ones than it is about us,” ayon kay Redouane Mellouk, akay-akay ang kanyang 8-taong gulang na anak na si Mohamed Amine.

“Our parents could not talk to us about political issues. They were too afraid. This must change,” dagdag pa ni Mellouk.

Ayon kay Mellouk, lumulobo na umano ang unemployment sa bansa lalo na sa mga kabataan. Marami umano ang tapos na ng kanilang pag-aaral subalit hindi ito makapasok ng trabaho dahil sa padrino system.

“Look at them. They are educated and like most young educated Moroccans, they are idle. Everything in this country is done through privileges. You need an uncle or a relative somewhere to get somewhere,” pahayag ni 74-taong gulang na rallyistang si Ahmed. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply