Public school teachers dadagsa sa lansangan

INAASAHANG dadagsa sa lansangan sa Labor Day, Mayo 1, ang mga pampublikong guro   upang  hilingin  ang pagtaas  ng kanilang sahod sa gitna ng pagtataas ng presyo ng mga bilihin   at tutulan ang  malawakang kontrakwalisasyon sa kanilang hanay lalo na ang mga guro ng kindergarten.

Sinabi ni ACT Teachers Party-List Representative Antonio L. Tinio na dapat lamang na ipaglaban ng mga manggagawa ang kanilang makataong sahod sa nagbibingi-bingihang  administrasyong Aquino hinggil sa mga nagiging  karaingan ng manggagawa kabilang na ang mga guro.

Ang sahod ng mga guro aniya ay P15,649 kada buwan na masyadong mababa para sa panustos  ng cost of living para sa may anim na miyembro ng pamilya.

Ito aniya ay sa kabila ng pagkakaroon ng P21,736 na dapat  sanang sahod ng mangagawa sa  gobyerno na nasa National Capital Region.

Ang  mga  government employees ay nakakatanggap lamang ng P7,575 kada  buwan at sa loob ng  siyam na buwang panunungkulan ng administrasyong  Aquino ay nagiging  talamak din ang pagtataas ng presyo ng bilihin at pamasahe na lalong nagpapahirap sa mga sektor ng manggagawa.

Dahil  dito nanawagan si Tinio kay Aquino na isama ang panukalang batas sa pagtataas ng  sahod ng mga nasa pribado at pampublikong sektor.

Nakasaad ito sa House Bills 2142 at 4523 para sa pagtataas ng  sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan  at  sa state  universities  at colleges kung saan ay P6,000 ang  idadagdag sa minimum pay ng government employees.

Inihayag din ni Tinio ang kanyang suporta sa legislated P125 increase sa daily minimum wage sa private sector.

Ibinulalas din ni  ACT Teachers representative ang isyu ng malawakang contractualization sa  mga kindergarten teachers habang ang Department of Education  ay inihahanda ang implementasyon ng Universal Kindergarten program nitong June.

Ang DepEd ay nakatakdang mag-deploy ng may 30,000 kindergarten teachers  sa  pamamagitan ng contractual basis na may sahod na maximum na P6,000 kada buwan.

“This is an all-out assault on the teaching profession, particularly on the rights of teachers to decent compensation and security of tenure,” ani Tinio.

Ang mga  contractual kindergarten teachers na nasa serbisyo na  ng  kasalukuyang  school  year ay hindi  pa rin nabayaran ng kanilang sahod simula ng  DepEd simula noong January.

“This is an unconscionable and inhuman violation of their basic rights. What further proof do we need to show that teachers will be grievously exploited through contractualization?” dagdag pa ng solon. Beth Aragon

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply