Publiko pinag-iingat sa impostor na ‘Edwin Lacierda’

NAGBABALA sa publiko si Presidential Spokesperson Edwin Lacierda sa gumagalang impostor na nagpapanggap na siya at sinasabing nangingikil ng P10,000 kapalit ng kanyang serbisyo sa mga kasong Maguindanao massacre at Jason Ivler.

Sa press briefing Lunes, Abril 11, sa Palasyo, itinanggi nito ang ulat na nanghihingi umano siya ng P10,000 kapalit ng kanyang serbisyo sa nabanggit na criminal cases na naganap umano sa isang golf tournament.

Aniya, kailangan din na mag-ingat ang publiko sa mga manlolokong indibidwal na hindi lamang na nagpapanggap bilang siya kundi ang pagiging impostor ng mga ito sa iba pang opisyal ng pamahalaan upang makahingi lamang ng salapi sa mga binibiktimang inosenteng sibilyan.

Anang Palace official, si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo ang nagsabi sa kanya kaugnay sa isyu sa Maguindanao massacre na naganap umano sa golf tournament sa Tagaytay Highlands.

Naugnay naman daw ang kanyang pangalan sa Ivler case matapos na mag-email sa kanya ang ina ng suspek na si Marlene Aguilar at nagtanong kung siya ang Edwin Lacierda na kausap umano nito sa telepono.

Si Ivler ay kasalukuyang nakakulong at nahaharap sa kasong murder sa pagpatay kay Renato Ebarle, Jr., na anak ng dating opisyal ng Malakanyang na si Renato Ebarle, Sr..

“She said there was someone who contacted her and said he was me. She was told that I can be trusted, so she sent me an email asking me to confirm if that was really me. I emailed her back and told her I never spoke to her,” he said.

Idinagdag pa ni Lacierda na maging si dating Usec. Ebarle ay nagsasabi na mayroon siyang naka-usap na nagpakilala rin bilang si Edwin Lacierda.

Nanawagan din si Lacierda sa publiko na kung mayroon silang matatanggap na text o tawag mula sa mga impostor ay maari lamang na tumawag sa numerong 0917-8085329 upang ma-double check ang pagkakakilanlan ng kanilang kausap. Axel Sam

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply