Puganteng ASG tiklo

ISANG puganteng miyembro ng Abu Sayyaf na may reward na P500,000 ang nadakip ng mga military intelligence Miyerkules, Abril 13.

Ayon kay AFP Western Mindanao command spokesman Lt. Col. Randolph Cabangbang, bandang alas 2:00 ng hapon nang isagaw ang interdiction operation ng pinagsanib na puwersa ng militrary intelligence operatives.

Doon nila natiyempuhan si Mohammad Gaddung sa may dalampasigan ng Coco Island at Great Sta Cruz Island.

Nabatid na si Gaddung ay minsan na ring nadakip ng militar matapos na idawit sa kaso ng pananamabang at umano’y pagpatay at pamumugot sa may 10 kagawad ng marines noong taong 2007 habang nasa kasagsagan ng pag rescue sa dinukot na si Father Bossi. Subalit nagawang makatakas sa Basilan provincial jail kasama ang may 21 preso. Verlin Ruiz

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply