Puganteng preso sa NBI balik-selda

MAKALIPAS ang dalawang buwan na pagtatago mula nang pumuga sa National Bureau of Investiogation (NBI), naaresto na rin sa wakas ang isa sa dalawang puganteng preso sa lalawigan ng Rizal.

Bagamat hindi pormal na inihayag ng mga opisyal ng NBI ang ulat,ayon sa source, dakong alas-dos ng hapon ngayon, Abril 8 nang dalhin muli sa NBI headquarters upang idetine si Albert Mata, 37, na sangkot sa payroll robbery at pagpatay sa Marikina City.

Si Mata ay napag-alamang naaresto sa bahagi ng lalawigan ng Rizal.

Samantala, hindi naman natutunton pa ang kinaroroonan ng isa pang pugante na si Leovince Acapulco, na sangkot sa kasong kidnap-for-ransom, na kasamang tumakas ni Mata noong Pebrero 9, 2011 sa NBI detention cell.

Sila ay dating nakapiit sa seldang binakante ni dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., pangunahing akusado sa Maguindanao massacre.

Ang pagtakas ng mga suspek ay natuklasan lamang ganap na 3:15 ng madaling araw kung saan  lumusot sa daanan patungong UP-Manila  at Supreme Court  matapos nilang  lagariin ang 10 pirasong ‘de-unong’ rehas na bakal.

Tinakpan umano ng bimpo ang nakatutok na closed circuit television (CCTV) camera sa bandang likod ng nasabing selda kaya hindi namonitor ang pagtakas ng mga ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply