Pulis, asawa inireklamo sa MPD-GAS

NAGTUNGO Sabado ng hapon, Abril 16, ang biyenan at ang 20-anyos ng manugang nito sa tanggapan ng Manila Police District-General  Assignment Section (MPD-GAS) para ireklamo ang isang tauhan ng Manila Police District at asawa nito.

Ayon sa salaysay ni Joan Doroquez, may asawa ng Pier 2 Gate 1 sa Parola Compound, kinausap umano niya ang asawa ni SPO1 Teofilo Panlilio na si Jennifer Agan hinggil sa pakiusap ng ilang kapitbahay na lisanin na ng mga ito ang inu-okupang silid sa nasabing lugar.

Dito na nagsimula ang away nang kumuha ng kawad ng kuryente si Agan at palibutan ang katawan ni Doroquez.

Hindi pa umano nakuntento sa awayan nila, dinunggol pa nito ng baril ang kanyang ulo at sinabihang babarilin siya.

Sa takot ng ginang, mabilis itong pumasok sa loob ng bahay at nagtungo sa MPD-GAS para magsampa ng reklamo.

Si Panlilio ay nakatalaga umano sa MPD-Tayuman Police Community Precinct ng Station 7.

Lumitaw pa sa ulat ng pulisya, may  dalawang linggo na umano ang nakakaraan nang awayin naman at tutukan din ng baril ang mister ni Doroquez na si Danilo Garcia.

Inireklamo umano nila ito sa barangay ngunit hindi sumipot ang nasabing pulis nang itinakdang pagharapin sila ng kanilang chairman. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply