Pulis bilang solusyon sa krimen palpak

MISMONG ang mga pulis ang nagsasabing darami ang kriminal dahil sa nagaganap sa repablik ni Juan.

May kahirapan at gutom kasi at lumalala pa ito, Suki.

Para makasurbayb ang mga nahihirapan at nagugutom, kailangan nilang maging kriminal.

Yan ang paniniwala ng mga pulis.

Ang mga kriminal, sabi ng mga pulis, ay ang mga isnatser ng mga hikaw, relo at selpon, agaw-bag, akyat-bahay, holdaper sa mga kalsada at sasakyan, mandurugas sa pagsusukli sa palengke, estapador, budol-budol, kardyaker, salisi at marami pang iba.

Kaya naman, lahat ng mga parak ay kailangang maikalat kahit saan para magpatrulya, kasama na ang pabandying-bandying sa mga opisina at kusina.

Derpor, magiging ligtas ang marami sa pananalasa ng mga kriminal, katwiran ng mga parak.

Beri gud naman.

oOo

Nakapagtataka nga lang na ang mga pulis ang inihaharap ng mga onorabol sa mga biktima ng kahirapan at gutom.

Nakapagtatakang isinusubo sila sa balyahan ng mga gustong makasurbayb sa krisis sa sikmura at batayang pangangailangan.

Kung ganito nang ganito ang mangyayari, hanggang kailan matatapos ang problema sa krimen?

Kung susundan ang problema na pulis ang ipinantatapat sa mga mahihirap at nagugutom, nakakikilabot isiping maya’t maya ay may mga inihahatid sa sementeryo, itinatakbo sa ospital at iba pang kamalasan.

oOo

Nasaan nga pala ang “tuwid na daan” na solusyon sa problema ng kahirapan?

Ang mga korap na onorabol na kabilang sa mga pinakaugat at puno ng kahirapan at gutom, nawawalis na ba sila?

Bakit hindi ang mga ito ang harapin ng mga pulis? Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply