Pulis na-hit and run sa Nagtahan Bridge

SUGATAN ang isang imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS) matapos itong ma-hit-and-run nitong Miyerkules ng gabi sa Pandacan, Maynila.

Inoobserhana ngayon sa Manila Doctors Hospital ang biktimang si SPO3 Henry Ignacio dahil sa tinamong pinsala sa ulo at pasa sa katawan matapos itong matumbok sa likod ng hindi niya naplakahang sasakyan.

Nabatid kay Insp. Armando Macaraeg, hepe ng MPD-HS, na katatapos lamang ng duty ni Ignacio nang maganap ang insidente sa nabanggit na lugar.

Napag-alaman na binabagtas ni Ignacio ang Nagtahan Bridge patungo sa Otis, Pandacan nang banggain sa likurang bahagi ang kanyang minamanehong motorsiklo.

Ayon kay Macaraeg, hindi napansin ni Ignacio kung anong klaseng sasakyan ang nakatumbok sa kanya.

Isang hindi nakilalang taxi driver ang nagmagandang-loob na tumulong kay Ignacio at isinugod ito sa nabanggit na ospital. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply