Pulis tinambangan, patay

HINIHINALANG rebeldeng New People’s Army ang bumaril at nakapatay sa isang pulis Linggo ng umaga, Abril3, sa Davao del Norte.

Kinilala ni Tagum City police chief Juel Neil ang biktima na si Rogelio Forones, Jr. na namatay bunga ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa report ni Neil, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo sa Barangay Apokon nang biglang sumulpot ang dalawang armadong lalaki habang magka-angkas sa isang motorsiklo.

Agad na pinaputukan ng isang suspek ang biktima na bumagsak na duguan.

Naniniwala ang awtoridad na ang mga suspek ay miyembro ng  NPA urban hit squad. Amor Virata

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply