Puno ng niyog sa bansa paubos na

KINAKAPOS na sa puno ng niyog o tinaguriang ‘tree of life’ ang bansa, ayon mismo sa Philippine Coconut Authority (PCA) ng Department of Agriculture (DA).

Ipinaliwanag ni PCA administrator, Euclides Forbes, na kaya nagkukulang na sa puno ng niyog ay dahil sa mataas na demand ng fiber na ini-export ng Pilipinas.

Bunsod nito, target ng PCA na dagdagan ang bilang ng itinatanim na puno ng niyog sa bansa na nangangailangan ng anim na milyong coconut tree kada taon.

Layon umano nito na matugunan ang pangangailangan sa produksyon sa niyog at madagdagan ang coconut fibers na kadalasang ginagawang geo-textile sa ibayong dagat.

Ayon pa kay Forbes, upang matuloy ang pagtatanim ng anim na milyong puno ng niyog kada taon, kakailanganin nila ng may 50,000 ektarya na lupang pagtataniman nito.

Nauna rito, inihayag kamakailan ni DA secretary, Proceso Alcala, na ang China ang isa sa may pinakamalaking merkado ng coconut fibers na dapat mabagsakan ng produkto ng bansa.

Ang Japan, Hong Kong, Korea, Singapore, Taiwan, Canada at Estados Unidos ang pagbebentahan ng organikong pataba at soil conditioners mula sa puno ng niyog.

Idinagdag pa ni Alcala na wala pang isang porsiyento, o 0.05% lamang, ang pangangailangan ng China na nai-export Pilipinas kaya malaki pa ang bilang na dapat mapunan ng bansa.

Batay sa datos ng PCA, noong 2010 ay nakapag-export lamang ang bansa ng 5,000 metrikong tonelada ng coconut coir na nagkakahalaga ng $6.5 milyon.

Masyado itong malayo sa nae-export ng nangungunang Sri Lanka na mahigit sa 150,000 metrikong tonelada ang nailabas na coconut coir mula sa kanilang bansa noong 2010. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply