Punom-puno ng giyera

PUNOM-PUNO ng giyera patani at totoong giyera ang repablik ni Juan.

May giyera sa pulitika dahil sa mga kasong pandarambong at katiwalian.

May giyera sa mga santo dahil sa RH Bill o panukala para sa artipisyal na pamili planing.

Iba pa ang giyera sa pagitan ng mga manggagawa at employer sanhi ng mababang pasahod.

May giyera rin sa lansangan dahil sa mahal na langis at toll.

Ang gulo-gulo.

oOo

Pero kung iisipin, lahat ng ito ay dapat na maganap.

Sapagkat ang mga pinaggigiyerahan naman talaga ang mga problema sa lipunan na tila wala na yatang katapusan at nagiging sanhi ng hindi nating pagbabago tungo sa pag-unlad.

Kaya naman, di bale nang may giyera, sapagkat ang giyera ay parang apoy na panlinis sa mga dapat at di karapat-dapat.

Kumbaga sa ginto, kung gusto mong lumabas ang tunay na ginto sa mga lupa at putik na bumabalot at nakapagitan dito, apoy ang gamitin mo.

Hindi sapat ang asido.

Sa apoy, tanging ang ginto ang matitira at tumatalsik o naaabo ang mga putik, lupa at iba pa.

oOo

Sa nasabing mga giyera, matira ang matibay.

Karaniwang natitira ang mga may katwiran at tumatangan sa katotohanan.

Bibihira ang mga nagtatagumpay na tiwali at mandarambong ngunit saglit lamang.

Sapagkat ang mga may tangan ng magandang katwiran at katotohanan ang karaniwang sinasamahan ni Juan sa matagal na panahon.

Ang mga magagandang katwiran at katotohanan ay pabor sa nakararami sa nasabing mga isyu.

Sino-sino ba ang mga dapat na magtagumpay sa mga giyera ngayon?

Sana naman hindi ang mga tiwali na nagiging pabigat lang at nagdadala sa atin sa ligaw na landas at kamalasan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply