Puntirya ng Bidang Generics ang win no. 3

SISIKAPIN ng Pharex Bidang Generics na maitala ang ikatlong panalo sa PBA D-League Foundation Cup sa pagsagupa nila kontra PC Gilmore (1-1) sa larong gaganapin sa Lyceum Gym sa Muralla, Manila ngayong gabi.

Nasa tuktok ng 6-team ng Group A galing sa panalo laban sa NLEX Road Warriors ang Generics sa iskor na 79-74 noong Marso 22 habang ang PC Gilmore ay natalo sa unang laro kontra RnW Pacific Pipes, 72-76, subalit nakabawi laban sa Freego Jeans, 81-72 sa kasunod nilang laro.

Maghaharap ang Maynilad (1-1) at ang Cafe France (0-2) ngayong alas-kuwatro ng hapon sa Group B. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply