Puwersahang paglilikas sa Taal danger zone, iniutos ng Palasyo

PUWERSAHANG paglilikas ang ipatutupad ng awtoridad sa mga magmamatigas na residente na naninirahan sa itinakdang danger zone sa nag-aalburotong Taal Volcano sa Batangas, ayon sa direktiba ng Malakanyang.

Sa press briefing ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda sa Palasyo ngayong araw, Abril 18, sinabi nito na higit na mahalaga ang kaligtasan at buhay ng tao kung kaya’t sinang-ayunan ng Malakanyang ang pagpapatupad ng forced evacuation malapit sa bunganga ng bulkan.

“If we see that the pending eruption will pose a danger to the lives of these people, we will have to forcibly evacuate them,” deklara ni Lacierda.

Nananawagan na rin ang taga-pagsalita ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga naninirahan sa loob ng danger zone ng Taal na boluntaryo nang magsilikas sa tulong na rin ng mga kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon naman sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala sa nakalipas na 24 oras ang 21 volcanic earthquake sa palibot ng Taal.

Ayon sa report, isa sa naganap na pagyanig dakong ika-10 ng umaga ay naramdaman ng mga residente sa Baryo Calauit na nasukat sa lakas na Intensity 2.

Bahagyang tumaas naman ang temperatura ng tubig sa lawa sa bunganga ng bulkan mula sa 29 degrees Celsius pataas sa 30.1 degrees Celsius, base sa report ng Phivocs. Axel Sam

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply