QCPD humiling ng budget para sa bagong kagamitan

HINILING ng dalawang konsehal ng Quezon City Police District (QCPD) na madagdagan ang kanilang taunang budget at sapat na alokasyon para pambili ng kinakailangang modernong kagamitan sa kanilang operasyon.

Ito umano’y upang mapalakas ang pulisya at maprotektahan ang kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mahigit 2.9 milyong residente ng Quezon City.

Naniniwala sina Konsehal Anthony Peter Crisologo at Jose Mario de Leon na dapat mabigyang prayoridad ang pagbili ng kinakailangang police equipment para mapalakas pa ang pakikipaglaban ng pulisya kontra krimen at pagbibigay proteksyon sa mga mamamayan.

Anila, kailangang magsagawa ng kumpletong pag-iimbentaryo ang QCPD upang malaman kung ano pa ang kulang na gamit at armas.

Matapos nito, dapat isama ng QCPD sa panukalang badyet ang mga kailangan nitong kagamitan.

“The QCPD should take all necessary steps to ensure public safety, investigate and prevent crimes, make effective the arrest of criminal offenders, bring offenders to justice and assist in the prosecution,” anang dalawang konsehal.

Ayon pa sa mga konsehal, kabilang sa mga kagamitan na kailangang bilhin sa susunod na taon ay investigative vans, SWAT vans, command vans, complete SWAT requirements, bagong mobile patrol cars, disaster equipment, Motorola mobile base radio, Motorola handheld radio, Motorola battery packs, laptops, desktop computer sets with printer, fax machines, heavy duty xerox machines, basic load ammunition para sa 380 cal. rounds, cal. 9mm-51,500 rounds, cal. 40-6,500 rounds, cal. 45-4,600 rounds, cal. 5.56/M16-22,800 rounds, cal. 7.62/M14-500 rounds at 12G shotshell-2,500 rounds. Santi Celario

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply