Quezon City Jail pinaimbistigahan ng BJMP sa ‘Ivler pictures’

PINAIMBISTIGAHAN na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang Quezon City Jail makaraan umanong kumalat sa internet ang mga litrato ni  road-rage suspek na si Jason Ivler na nakikipag-inuman at nagpa-party sa loob ng nasabing kulungan.

Ayon kay BJMP Director Rosendo Dial, pinaimbistigahan na niya at pinagpaliwanag si Quezon City Jail Warden Sr. Supt.  Hernan Grande kaugnay sa isyu.

Sa mga litrato na makikita sa facebook ay makikita umano si Ivler na  may mga kasamang babae at   nakikipag-inuman ito sa  isang  party na umano’y ginawa  sa loob mismo ng  QCJ.

Kaugnay nito itinanggi naman ni Grande  na sa loob ng QCJ ang nasabing mga litrato ngunit sa kabila nito ay nagbabala naman si Dial na hindi siya  mangingiming sibakin  si Grande kapag napatunayang totoo ang mga nasa litrato.

Si Ivler  ay nahaharap sa kasong murder makaraang barilin  umano  si Renato  Ebarde, Jr., anak  ng isang mataas na opisyal ng Malacanang  noong Nob. 18, 2009. Santi Celario

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply