Radiation umabot na sa Hong Kong

KINUMPIRMA ng Hong Kong authorities na umabot na ang kaunting radiation materials sa hangin sa kanilang bansa.

Ayon sa kanilang pagsisiyasat, natuklasan ang radiation sa kanilang nakuhang samples noong Abril 8 hanggang 9. Mayroong radioactive Caesium-137 at Iodine-131 ang nakasama sa hangin sa naturang siyudad.

“Since the amount of radioactive Iodine-131 and Caesium-137 detected are both very small, there will not be any impact on public health and no precautionary measures are required,” ayon sa Hong Kong Observatory.

Patuloy nila umanong i-momonitor ang radioactivity level sa siyudad pero walang dapat ipangamba ang mga mamamayan dahil ito ay ligtas pa sa ngayon. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply