Raket ni ‘John’ sa Port of Manila, untouchable raw?

WALANG sino man daw opisyal sa Bureau of Customs o Department of Finance ang puwedeng sumalungat sa raket na pinaggagawa nitong nagngangalang “John” sa loob ng Port of Manila kung saan mga brokers at importers ang target niya sa kanyang modus-operandi.

Ibig niyang sabihin, “untouchable” daw siya. He, he, he!

Pinagdidiinan pa rin kasi nitong si John sa kanyang mga biktima na siya ang “sugo” at “bagman” mismo ng Malakanyang sa POM.

Kotong sa mga brokers at importers ang raket ni John sa POM. Nagagawa niya ito dahil may mga kasabwat siya sa Office of the Commissioner (OCOM) at Port Operations Service (POS) – ang dalawang bigating tanggapan ng BoC.

Sana’y makarating agad ito sa Palasyo ng Malacañang para malaman natin kung may katotohanan ang ipinagyayabang nitong si “John.”

Tumataginting na halagang P5,000 kada “lata” (container van) ang presyong hinihingi nitong si John sa mga nagsipagreklamong mga brokers at importers.

Ibig sabihin, kung umaabot sa 1,000 container vans ang dumarating sa Port of Manila kada linggo, maliwanag pa sa buwan na may P5 milyon natatangay itong si John.

At dahil lang ‘yan sa paggamit ni John ng mga pangalan ng ilang opisyal sa Palasyo ng Malakanyang.

Secretary Paquito Ochoa, paki-imbestigahan nga po itong si “John.” Balita ko ay pati pangalan mo ay nagasgas na ng animal na ito!

Ganito po ang modus-operandi nitong si “John.” Kapag di umubra ang diskarte niya sa operation services ng naturang pier, kaagad niyang ipapasa sa isang kasabwat sa OCOM ang anumang impormasyon laban sa nakursunadahang importer-broker at saka ipalalagay sa watchlist o hold-order sa computer records ng OCOM ang mga kargamento na nasa container yard pa ng BoC.

Kaya’t kahit walang violation, tiyak na mapapalundag sa takot ang kawawang mga importer-broker. Siyempre, dito na papasok ang usapan tungkol sa “supporting pesos” para sa dagliang pag-release ng mga pinigil na kargamento.

Nananakot pa raw itong si “John” kapag pumalag o tumangging magbigay ng “tong” ang kawawang mga importer at broker. Tsk, tsk, tsk!

Hinihikayat din daw nitong si John na isali siya ng “libre” (o sosyong laway) sa negosyo ng mga importer at broker at siya na daw ang protektor nila sa POM.

Secretary Ochoa, inuulit ko po sa inyo, paki-busisi nga po itong si “John.” Yan ay bago maniwala ang publiko na isa ka sa mga nasa likod ng animal na ito.

* * * * * * * *

Kaugnay sa paksang ito sa Port of Manila, isang reader natin na may cellphone number 09212103973  ang nagpadala ng text message:  “Sir, gud am po. Sobra po talaga kikilan dito sa MICP operations office. Paki-imbestigahan poi tong sina Ami, Berting, at Bebot. Lahat sila ay hao-siao. Tulungan mo po kami para masibak  sila  sir. Kami po ay grupo ng mga personero at mga broker ditto sa MICP.”

O, Commissioner Lito Alvarez, sir paki-imbestigahan nga po ang mga taong nabanggit sa text message na ito!

* * * * * * * *

Anumang reklamo, komento o suhestiyon, text o tawag lang sa 0999-4333437 o kaya’y e-mail lang sa boyetmunar@yahoo.comat malugod ko kayong paglilingkuran! Boyet Munar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply