Rally inilunsad para sa ‘No plastic policy’

NAGLUNSAD ng malawakang rally ang bayan ng San Francisco, Quezon bilang suporta sa kampanya ng lokal na pamahalaan sa pagbabawal sa paggamit ng plastic.

Ang “No plastic policy” rally ay dinaluhan ng mga mamamayan na sumusuporta sa solid waste management program ng pamahalaang bayan.

Ayon sa mga raliyista, kailangang ipagbawal ang paggamit ng mga plastic sa mga pagkain dahil kalimitan ay nagiging dahilan ito ng pagbabara ng mga kanal at nagiging sanhi ng pagbaha.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagsusunog ng mga basura at pagtatapon nito kung saan-saan dahil may mga itinalagang tapunan ng basura.

Kaugnay nito, nananawagan ang pamahalaang bayan sa mga mamamayan na gamitin muli o i-recycle ang mga papel, plastic at bote upang hindi makadagdag sa basura o di kaya ay ibenta ang  mga ito sa junk shop. Johnny F. Arasga

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply