Rapist na professor timbog sa NBI

BINITBIT ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dating professor sa isang unibersidad sa Pampanga City na nagtago sa Saudi Arabia upang takasan ang kasong rape na isinampa sa kanya noong nakalipas na taon.

Ang suspek ay kinilalang si Arnel Atienza Ocampo, 51, dating propesor ng Holy Angels University sa Angeles City, Pampanga, ineskortan pabalik sa bansa ni Special Investigator Sixto Espenesin at saka ihinarap kay NBI director Magtanggol Gatdula.

Si Ocampo ay sinampahan ng kaso sa korte makaraan umanong molestiyahin ang kanyang 16-anyos na estudyante na itinago sa pangalang “Amor”.

Dahil na rin sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Angeles City Regional Trial Court (RTC) Branch 59 judge Angelica Paras-Quiambao, nagresulta sa pagkakadakip ng suspek habang nagtatago ito sa Saudi Arabia.

Dahil dito, dinala sa NBI-Taft sa Ermita, Manila ang suspek bago idiretso sa Angeles City Police Station para harapin ang kanyang kaso.

Sa rekord ng NBI, niligawan umano ng suspek ang biktima, bago sinimsim ang murang katawan ng dalagita.

Subalit nang hindi na matiis ng biktima ang ginagawa sa kanya ng suspek ay ipinagtapat niya na ang insidente sa kanyang mga magulang dahilan upang sampahan ng kaso ang suspek.

Ngunit bago pa man nakapagpalabas ng warrant of arrest ang korte ay nakaalis ang suspek sa Jeddah, Saudi Arabia para doon na magtrabaho.

Dumulog naman ang biktima sa NBI na kaagad na nag-request sa Interpol na mailagay sa red notice ang pangalan ng suspek noong Enero 26, 2010.

Nang matukoy kung nasaan ang suspek ay kaagad na kinansela ang pasaporte at nakipagkoordinasyon sa tanggapan ng Middle East and African Affairs at sa Department of Foreign Affairs (DFA) na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek at maibalik sa Pilipinas. Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply