Rebelde sa Libya, nagpapasaklolo

KULANG ang tulong na ibinibigay ng NATO na inatasan ng United Nation para protektahan ang mga sibilyan sa Libya.

Ito ang pahayag ng mga rebeldeng grupo na lumalaban para mapatalsik sa puwesto si Libyan ruler Moammar Gadhafi.

Humihingi ng tulong ang rebeldeng grupo upang maprotektahan ang mga sibilyan dahil sa patuloy na binobomba ng mga tauhan ni Gadhafi ang lungsod ng Mistara ng dalawang magkasunod na araw at marami na umano ang namatay at nasugatan sa panig ng mga rebelde.

“The shelling and destruction by Gadhafi’s forces has not stopped since yesterday. They are shelling mortar shells, cluster bombs and splinter mortar shells. The splinter mortar shells explode and throw lethal shrapnel, which has caused most of the tragedies,” pahayag ng nagpakilalang si Mohammed.

“The aid coming from outside is not enough. There is no hospital. With all of this happening, we haven’t seen NATO. There have been no strike for four days in Misrata,” ayon sa spokesman ng mga rebelled. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply