Recruiter ni Ordinario nagpasaklolo sa NBI

DAHIL sa sunud-sunod umanong death threat ang natatanggap ng isa sa recruiter ng mga nahatulan ng kamatayan  sa China, nagpasaklolo ito sa National Bureau of Investigation (NBI) para umano maligtas sa panganib.

Gayunman, kahit na kusang loob na nagtungo si Mapet Corterz alyas ‚ÄúTita Cacayan‚ÄĚ ay maaari itong sampahan ng kaso habang nasa kustodiya ng NBI-Reaction Arrest and Interdiction Division sa main ng NBI sa Taft Avenue sa Ermita, Manila.

Nitong nakaraang Biyernes ng gabi, Abril 1, personal umanong nagtungo si Tita Cacayan sa ilalim ng hepe na si Atty. Jonathan Galicia.

Sinabi ni Cacayan na kusa siyang sumuko dahil kahit noong hindi pa nabibitay si Sally Ordinario-Villanueva , Ramon Credo at Elizabeth batain ay nakatatanggap na siya ng death threats kaya’t mas pinipili niyang mailagay sa protective custody ng NBI dahil sa pangamba sa kaniyang buhay.

Aminado naman ito na siya ang nagproseso ng mga dokumento ni Sally Ordinario para mag-abroad subalit mariin nitong itinanggi na siya ay  may kaugnayan sa sindikato ng iligal na droga na dahilan upang mahatulan ito ng kamatayan nitong Marso 30.

Batay na rin sa report ni Atty. Galicia na mismong si Cacayan ang humiling na mapasakamay ng NBI at hindi ito nagtatago.

Dahil dito,  nahaharap sa mga kasong large-scale illegal recruitment at violation of the Anti-Trafficking in Persons Act of 2008 si Cacayan sa Department of Justice (DOJ) kung saan isinasagawa ang preliminary investigation laban dito. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply