Recruiter ni Sally lumantad na sa DoJ

NASA Department of Justice (DOJ) na si Tita Cacayan, ang recruiter ng binitay na si Sally Villanueva upang humarap sa unang preliminary investigation ng kagawaran sa kanyang kaso.

Gayunman itinuturing ng mamamahayag at tagamasid sa DOJ na overkill ang ipinagkakaloob na seguridad kay Cacayan.

Bukod sa napakaraming NBI elite force na nakapalibot sa loob ng DoJ,  naka-full battle gear pa sila bitbit ang mahahabang armas.

Ayon sa source posibleng hindi makakapagsumite ng counter affidavit si Cacayan at sa halip ay aapela ito kay State Prosecutor Lilian Allejo, ang piskal na may hawak sa kaso, upang humingi ng dagdag na panahon upang makapaghain ng counter affidavit sa mga kinakaharap na kaso na large scale illegal recruitment at human trafficking. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply