Refugees tumakas sa Libya: Barkong sinakyan lumubog; 15 patay, 250 nawawala

TINATAYANG 15 ang kumpirmadong patay habang 250 katao pa ang nawawala at dalawang babae ang nakaligtas makaraang lumubog ang barko lulan ng mga tumakas na refugee galing Libya.

Nabatid na overloaded ang sakay ng barko dagdag pa ang malakas na hangin kung kaya lumubog ito sa may 40 milya sa Lampedusa island ng bansang Italy.

Kasalukuyang nagsasagawa ng rescue operation ang mga coast guard sa naturang bansa at 47 katao na ang naililigtas.

“The vessel, which was laden beyond capacity, had left the Libyan coast with migrants and asylum seekers from Somalia, Nigeria, Bangladesh, Cote d’Ivoire, Chad and Sudan. Some 40 women and 5 children were on board. Only two women survived the shipwreck,” pahayag ng isang official. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply