Relokasyon ng QC squatters ikinasa na

SINIMULAN na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang paglipat sa mga informal settlers sa kanilang nasasakupan.

Kabilang sa mga unang inilipat ng tirahan ay ang mga informal settler sa Kalye 6 at 7 sa Barangay Mariana.

Inutusan na ni Mayor Herbert Bautista ang lokal na pamahalaan na umupa ng bus na gagamitin sa paglilipat sa mga ito sa housing project ng National Housing Authority (NHA) sa Southville 8, Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Bilang dagdag na tulong, siniguro ni Bautista na sasagutin ng pamahalaan ng lungsod ang bayad sa ikakabit na sub-electric meters na nagkakahalaga ng P1,000 kada koneksyon ng pamilya.

Sinisikap ni Bautista na maging magkakatabi ng tirahan ang mga magkakapitbahay sa lilipatan nilang lugar upang hindi naman sila manibago.

Ayon kay Ramon Asper, hepe ng Quezon City Urban Poor Affairs Office, nasa 28,731 ang pamilyang informal settler ang naninirahan sa mga delikadong lugar sa Quezon City.

Tinatayang nasa 1,500 mahihirap na pamilya ang maililipat bago magsimula ang pasukan sa Hunyo.

Ang mga naninirahan sa bangketa at kalye sa Barangay Santol, South Triangle at Central, kabilang na ang mga nasa daanan ng tubig sa Barangay Damayang Lagi at Tatalon ang unang inalok sa relocation program ng pamahalaan ng QC.

Maging ang mga mahihirap na pamilya sa may BIR Road na nasunugan kamakailan ay inalok din ng relocation slots sa NHA resettlement project.

Bago ang pagpapatupad ng mass relocation program ng Quezon City, nagsagawa ng dayalogo ang socialized housing task force na pinamumunuan ni Secretary to the Mayor Tadeo Palma.

May 142 barangay ng siyudad ang kanilng kinonsulta upang masigurong magiging maayos ang operasyon ng paglilinis sa nabanggit na mga lugar ng informal settlers.

Kabilang sa mga inimbitahan sa isinagawang konsultasyon ay ang mga kinatawan ng Simbahan para mapabuti ang socialized housing program ng lungsod.

“The problem of poverty and informal settlers in Quezon City is huge. But, we can help make this challenge manageable through the pathways of collaboration and teamwork among ourselves,” ani Bautista.  Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply