Rescue olympics sa mga bagets isinusulong

HINDI lamang mga matatanda ang dapat may sapat na kaalaman sa paghahanda sa tuwing may bagyo o kalamidad na darating sa bansa.

Maging ang mga estudyante sa elementarya at sekundarya ng pampubliko at pampribadong paaralan ay dapat turuan ng programa ukol sa paghahanda na tinawag na Rescue Olympics.

Ang Rescue Olympics ay nakapaloob sa House Bill 4397 na pangunahing inakda ni Rep. Angelo Palmones ng AGHAM Party-list.

Sinabi ni Palmones na “Rescue Olympics” is designed to raise the level of awareness among the youth on the dangers posed by natural and man-made disasters, the appropriate response when disaster strikes and the rescue activities that they may undertake.”

Ang Pilipinas aniya ay pinapasok ng may 20 bagyo taun-taon na sumisira sa milyong ari-arian, imprastraktura, produktong agricultural at kung minsan ay ikinasasawi pa ng marami.

Ipinaliwanag pa ni Palmones na ang mga ganitong kalamidad na dulot ng climate change ay nangangailangan ng lubos na paghahanda na ngayon aniya ay hindi pa sapat ang kahandaan ng Pilipinas.

Ang co-author ni Palmones na si Antipolo Rep. Romeo Acop ay nagsabing ang Pilipinas may “ major fault zone “ na umaabot sa  1,200 kilometro ang haba na nagmumula sa Pangasinan hanggang Davao City at hindi pa aniya kasama rito ang Marikina, Dingalan at Masbate faults.

Nangangamba si Acop na ang mga fault lines na ito ay maaaring pagmulan ng malalakas na lindol na magdudulot ng malawak na pinsala at pagkasawi ng marami.

Sa ilalim ng HB 4397, ang Departments of Education (DepEd), Interior and Local Government (DILG), Science and Technology (DOST) at ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay siyang mangunguna sa paglalatag at pagsasagawa ng Rescue Olympics. Meliza Maluntag/Photo by Rene Sandajan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply