Rescue operation sa ComVal hirap

NAHIHIRAPAN ang rescuers sa isinasagawang search and rescue operations sa mga nawawala pang miners sa Panganason-B, Barangay Kingking, Pantukan, Compostela Valley province dahil sa kakulangan ng equipment.

Nabatid sa awtoridad na meron mang mga bulldozers at backhoe na ipinadala pero nahihirapang maka- access sa lugar.

Tumulong din ang tatlong helicopters ng 505th search and rescue mula sa PAF at PAF-Davao.

Dahil sa hirap maka-access sa naturang lugar, minanu-mano kasama ang ilang residente sa naturang lugar sa pagrescue sa mga biktima sa pamamagitan ng pala.

Nabatid na maaari lamang mag-landing ang helicopters sa bahagi ng Sitio Lumanggang sa Barangay Kingking kung saan kinakailangan pang sumakay o maglalakad ang mga rescuers ng dalawang kilometro sa matataas na lugar bago makarating sa site. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply